Thursday, November 10, 2005

Hi! Assuming na MBS ka, okay lang na basahin mo ang aking blog. Halos lahat naman kasi ng entry dito ay may kinalaman sa MBS, sa dive, sa paglangoy o kaya sa pagswim. Hindi na rin 'to updated dahil 'di naman ako mahilig magsulat. :)

SEAMATE SPECIAL INDUCTION DIVE

November 12-13, 2005
TL: Bry
ATL: Trix
IM: Anji

ITINERARY

3:30 Call Time
3:30-4
4 am ETD - Philcoa
4-7:30 Travel to Batangas Proper
7:30-8:30 Free time – market / breakfast
8:30-9 Trip to Parking Lot, Balite, Batangas
9 am ETD – Parking Lot
9-10 Trip to Mang Mile’s cottage, San Luis, Batangas
10 am ETA – Cottage
10-10:45 Unpack, Set Camp and Briefing of DMs
10:45-12:45 pm 1st dive including familiarization dive
12:45-1:45 Lunch and Rest
1:45-4:45 2nd dive
4:45-6 Apps Dinner Preparation
6-7 Dinner
7-9 Induction Proper
9 onwards Night Life

6 Wake up call
6-6:30 Prepare for 3rd dive
6:30-9 3rd dive
9-10 Prepare Brunch
10-11:30 Brunch and Pack Up
11:30 ETD – Mang Mile’s cottage
11:30-12:30 Trip, back to parking lot
12:30 pm ETA – Parking Lot
12:30-4 Trip to Quezon City
4-5:30 Stop Over
5:30-6:30 Continue Trip to Quezon City
6:30 ETA Jollibee Philcoa

BUDGET

Boat P 122
Transpo P 241

Lodgings P 150
Food P 20

Total P533
10% contingency P 67

Grand Total P600

THINGS TO BRING

Individual
1. Equipment
2. 2 Sets of Clothes
3. Swim Gear (trunks, towel, etc)
4. Personal Medicine
5. Toiletries (shampoo, soap, toothbrush)
6. Pang cool effects - Cap, Shades, Umbrella
7. Slippers
8. FlashLight and Candles
9. Drinking Water (good for 2 days, ideally 4L
10. Wind breaker or jacket (para kung umulan)
11. Garbage bag
12. Tinapay -itong tinapay ay hindi kailangang isang bagong load of bread. kahit crumbs lang o kahit nga matigas na sunog na pandesal. Para ito sa fish feeding underwater! okies?
13. Camera, para makuhanan ang special moments
14. Pampaaliw - cards, alcohol, etc. hehe.
15. Mess kit!!
16. Extra personal money

Inductibles:
Sleeping Bag
Costume
Blind fold
Strings (2feet)
Candle
Special Dinner

Note: PACK LIGHT! O kaya pack "little". Isang backpack lang at Set ng equipment. Para hindi masyado siksikan sa transpo. Hehe.

Excited na ako!! woohooo!!!!!!!!!

Walang malelate ha! 3:30am call time sa Jollibee Philcoa!

MAP

Image hosted by Photobucket.com Follow the Blue Line!! Then Pink... hehe.

or click this to check the other map (Brgy. Balite Parking Lot ang ating destinasyon)

:)

Monday, October 24, 2005

sembreak 1

hay. ngayon lang ulit magpapaka-bum dito sa bahay. magmula kasi nung magsembreak, araw-araw na akong wala sa bahay. =)

Noong Oktubre 14-16 ginanap ang grand induction ng MBS Apps 04, Batch Fighting Patings. 20 out of 29 silang na-induct kaso dalawa lang sa aking pinangangalagaang buddies ang nainduct. Si Fabs wala kasi nasa IloIlo na siya. Si Kim at Si HPie ang dalawa kong buddies na kasama...

Ang tagal ko nang hindi nagpopost dito! Paano kasi sobrang busy talaga. Pero magpopost na rin ako kahit kaunti dahil ang induction na ito ay nagpapakita lang sa aking prinsipyo na "Life's a Beach". October 24 na ngayon. At ngayon ko lang naramdaman ang pagkamiss sa mga nangyari nung induction. Sooobrang saya talaga. The best talaga induction ng MBS. Kahit na iilan lang kami sa org, 15 na siguro maximum kung may meeting, ay napatunayan pa rin naming may "say" pa rin kami at may laban kung pagiging epektibo pa rin ang pag-uusapan. At kung camaraderie lang din ang titignan, sus! Panalo na kami diyan.

Anyway, ito ang ilan sa mga picture mula sa website ni patrick ostrea. MBB student, batch fighting patings at isa nang TMC mem! Fighting Patings pix. Tignan nyo yung background!! astig, parang wall paper lang, pero yun talaga yung itsura tuwing sunset sa Laiya.
Sayang, walang underwater pix! Kasi hindi naman underwater cam ang gamit niya. Ayun.

Conggrats sa mga Inducted na Fighting Patings! Buddy Kim, Buddy Honeypie, Tosca, LinLin, Icko, Jolene, Eric "Bruno", Diuvs, Patrick, Steph, Phoebe, Mik, Miguel, Teddy, Kian, Jenny at siyempre ang UPIS batchmates ko: si Kitts, Popot (Noelle na daw) at si Kaeos!!

Napakalaki ng potensyal ng batch na ito at lahat may ibubuga! Galingan niyo new mems! At welcome sa Pamilya ng MBS. -=)

Thursday, June 30, 2005

argh

Parang beach nga ang buhay. at ngayon nasa ibang direksyon ang agos ng aking buhay. Sa ngayon kasi hindi pa rin ako nakatuon sa aking pag-aaral. Kasalukuyang nagliliwaliw pa rin ang aking utak, ang dami pang gustong gawin tulad ng gumimik gimik, lumangoy langoy at kung anu-ano pa. Basta, ibang-iba tulad ng dati.
Malalakas din ang alon ng dagat ngayon, nakakahilo, hindi stable, kaya naman hirap din akong ipag-isa ang aking isip at damdamin para makasabay sa alon ng aking acad life.

At sa madaling salita, hindi ako makapokus sa aking pag-aaral at parang wala akong gana ngayong sem.

Bakit nga ba?

Hindi ko alam.

Haha!

Kaya ko yan... kasi kakayanin ko.

Inspirasyon, asan ka na ba?

Hay ang buhay, parang life... parang beach.

Owell. Mag-aaral na ko.

Monday, June 06, 2005

Sched ko

Eto sched ko sa 1st sem, AY05-06. Block B ako sa BA. Kaso, mukhang patalo(loser) yung mga kaklase ko. Hehe. Sama e no. Sila kasi yung mga hindi nagpaparticipate sa batch, mga nagpapaka-aloof, mga nerdoks, mga ganung type. Buti na lang kaklase ko si Jess kahit isang subject lang(BA141). Madali lang naman enrollment ko kasi may varsity priority ako. Hehe. Nakuha ko rin ang PE na rifle marksmanship na 30 slots lang at 210 ang demand. At, kaklase ko yung kapatid ni Tara, si Mik. O ha! Sana maging OK na sem to para sa akin at sana mamaintain ko ang good standing at realtively okay na mga grado. :)
Image hosted by Photobucket.com
Image hosted by Photobucket.com

Di pa tapos summer ko

Kakauwi ko lang kahapon galing Zambales kasamaang UPVST. Umalis kami ng friday ng hapon at hanggang sunday kami doon. At ito ang pinakamagandang team building na napuntahan ko, sa loob ng 4-5 taong kasama ko ang team. Bukod sa mga masasayang ginawa namin tulad ng snorkeling, surfing, camping, team building activities, cook out, kantahan, kwenhan, inuman, present talaga talaga yung bonding. Yung breaking the barriers kumbaga. Marami na kasing freshies na kasama- si Miguel, Mar, She, Tin, Toni, Jullianni, Ann, at Chiqui. O ha, kilala ko na sila. Siguro mental age ko talaga ay 16-17. Dahil komportable ako sa kanila at tumpak na clik kami sa isa't-isa.

Anyway, pagdating ko sa Quezon City, binaba ko lang mga gamit ko galing camp sa bahay at alis naman papunta sa bahay nila gerald. Doon kasi meeting place namin para sa debut naman ni Mariel.

Ayun muna, chaka na lang ako magkukwento ng mga pangyayari.

Ito ang pinakamasaya kong summer. Kahit na mahirap ang panahon-busy, walang pera, magulo, natuloy pa rin ang mga summer getaways ko. At syempre, nakasama ko ang mga taong lumaki at nahilig rin sa dagat, sa swimming pool at sa sikat ng araw!

mood 1: sobrang saya, at medyo nalulungkot dahil tapos na ang team building. Nakakamiss pala bigla kapag andoon na kayo sa peak na nagkakakilala na kayo ng mabuti dahil 3 araw na kayo magkakasama at nagkukwentuhan. At syempre, may pasok na! May training na! wehehehe.
mood 2: Pero sabik na rin akong pumasok dahil bagong mga mukha na naman ang makikita ko. Siguro mapapatambay na talaga ako sa pugon nito bukod sa tambayan namin sa MBS. :)
mood 3: Nakakatuwa at nakakaexcite dahil sibil na rin ako kay Gretchen(courtside reporter), sa idolo kong si Timmy(Olympian breastoker). At sa mga freshmen swimmers, na may kaibigan kay Nikki the Search for a Star in a Million 1st runner up. Ayos no?!

Saturday, May 28, 2005

pangkaraniwang masayang araw

Nung Thursday, may IDC ulit dapat kami. Lecture ni Soli at ni Kuya Carlo(Physics underwater), report ni Anji(the marine environment) at Pool Work ni Erick at Ami(Skin Diving basics). Kaso, hindi ito natuloy dahil onti lang ang tao sa tambayan. Kaya ang ginawa namin, inayos na lang namin yung calendar of activities.

Lunchtime na kaya nagpasya kaming kumain at magsiswimming sa Daungan. Buti na lang malapit bahay namin kaya nakuhanan ko pa ng trunks at boardshorts si Ryan(paano kasi 'di nagdadala) at si Trix naman ay pinahiram ni Ate Ayin.

First kong gamitin rashguard ko! wahoo!! Ayos, mukha na raw akong pulis pangkalawakan, terno kasi rushguard, trunks at thermodry pants ko. hehe. Pero inalis ko na yung pants na yun dahil mukha na nga akong engot. Nagbreatholding, underwater swimming at object retrieval kami. Tapos kaunting laps at sangkatutak na exercise ng bunganga-kwentuhan habang nagtetreading.

Kumain kami ng liempo at isda, yum! sarap, ngayon lang ulit kami nakakain noon, ang last pa kasi ay nung huling punta namin sa Isla Verde.

Noong 4pm na, bumalik na kami sa UP dahil may aasikasuhin pa ang aking mga eng'g friends at ako ay magtetraining pa.

Aba, may bagong set ng stretch cords! At kahit na umaabon, tuloy pa rin ang jogging namin sa acad oval. Ako, Boom, Raymond, Jayson, Carlos, Miguel, Cristine, Cheng at Punky ang tumakbo. Si Ate Krystle at Ana naman nagpaiwan at sinimulan na ang dryland training. Isang round lang kami. Pero pagbalik sa pool, diretso na ng dryland training. Nag-umpisa kami sa stability na 45secs each na! Tapos trunk part exercises, medicine ball exercises at lastly, stretch cords(ayos, may bagong set).

Ang sakit ng katawan ko pag-uwi Sakit ng upper obliques ko. Ito yung isa sa mga araw na napakiramdaman kong masarap ang magiging tulog ko. Kaya mga 11:00, bagsak na ako sa kama... Kailangan ko na naman palang bumalik sa tambayan bukas ng umaga dahil magluluto naman kami at tuturuan magluto ng sweet and sour ni Terry at Kimmie.

Wednesday, May 25, 2005

Whats does your personality rate from 1-10?

Astig to! This is somehoe true. Pero naaaliw ako sa "Lifes a bitch". Sana "Beach" na lang :)

Whats does your personality rate from 1-10? by morning_prayer
Your first full name
Your personality rates asix
your best quality isyour sense of humor =)
your worst quality isyoure too nice to people
this is becauselifes a bitch
Quiz created with MemeGen!

MBS pics

Ayos, makakapagpost na ako ng pictures dito. Para naman may idea ka kung sino mga kasama ko sa pang-araw-araw kong pagpunta sa tambayan namin.

Oo nga pala, nagkaroon kami ng exhibit sa Glorietta na nagtagal ng 4 na araw. O diba, big time! Yung main theme ng exhibit ay "Dive". Kasama namin sa exhibit ay iba't-ibang mga dive shops tulad ng Aquamundo, IST, mga diving schools, at mga diving destinations/resorts. Kami lang ang inanyayahan na Student Diving org. Katie-up din pala namin ang DOT at isa pang institution. Astig yung exhibit na yun dahil kami may pinakamaraming guest/viewer. Paano kasi magaganda at nakakaaliw yung mga underwater pictures namin kahit amateur lang at mumurahin lng cam na gamit namin. Marami din kaming pics na nagpapakita kung ano yung org namin, mga projects namin at kung ano nga ba ang Skin Diving.

Ito yung isa sa mga oras na nagbabantay kami. Sa totoo lang, dapat 3 lang nagbabantay. Pero gabi na kasi ito e, kaya nagpuntahan na yung ibang mems sa booth namin.
Image hosted by Photobucket.com
Left to Right ->> Kuya Carlo, Ami, Ayin, Em, RJ, ako!
Ang itim ko jan dahil kakadive lang namin sa Isla Verde weekend bago nitong exhibit.

Ito naman yung isa sa mga view sa booth namin
Image hosted by Photobucket.com
Ayos, may time zone sa itaas! hehe. Ako nagkabit niyang mga pics na yan at kasama sa nagset-up ng bangka. Aba, nasa glorietta na kami ng 5am!

-------------------------------------------------------------------

Nung weekend naman niyan(2 weekends na ako wala sa bahay!), nagkaroon kami ng Planning Sem sa Garden Islands Condo kung saan nakatira ang presidente namin. Nagdinner kami ng 6pm doon sa may restaurant sa kalsada. Ayos, libre na naman ni Kuya Carlo! Hehe. Sarap ng inihaw na manok at java rice(nagugutom na ko...)
Inayos namin ang mga objectives namin, mga balak na proyekto, pagbabago sa org at iba pang activities. Ito yung mga objectives 1. Magpagood shot sa Dept of Bio at sa Coll. of Sci. 2. More skilled mems, at syempre 3. MORE DIVES!!
Astig ang stratehiya nila Kimmie at Erick- inipon namin lahat ng cellphone at relo at nilagay sa isang box. Para daw hindi kami madistract at mawala sa focus. Bukod doon, pinatay din namin lahat ng ilaw except sa spotlight na nakatutok sa dingding kung saan andun ang manila paper na tinatalaan ng mga napag-usapan. Nagnotes din kami ng aking sidekick(Em) para focused at receptive kami. Gumagana naman iyon diba? :)

Natapos na kami ng mga 3:30am ng Linggo. Nagstart kami ng 7:30pm nung Sabado.. Aba! Gumana nga ang stratehiya nina Kimoy! At syempre, hindi pala mawawala ang paboritong gawain ng mga presidente namin. Kaya eto ang isang litrato:
Image hosted by Photobucket.com *baba resolution*
left to right->> Em at Ako(TMC VP's), Ami, Ayin(Exec VP), Kimmie(Pres), Ina, Carlo(Alumni relations) at Karen(Ext VP). Si Erick(R&D VP), nasa CR ata niyan. Si Soli(Enviro VP) yung kumuha ng picture. Si Ruth(Int VP) at Trixie(Fin VP), susunod na lang sa umaga.

Kinabukasan...
Image hosted by Photobucket.com
nasa kwarto ako ng mga babae... Hehe... Pero kinuha ko lang talaga yung bag ko sa loob. Kung sabagay, sanay na kaming lalaki-babae magkakasama kahit nga magkatabi, kasi kapag nagcacamp/dive kami 'di naman maiiwasan yun.

Ito rin pala isang picture sa sala naman. May teleskopyo rin si Kimoy na
kayang mag-zoom at makita ang buwan at nung umaga'y kayang makakita ng mga bintana ng kapit-bahay! Kaso, sarado lahat ng bintana...
Image hosted by Photobucket.com
Si erick yung nakasando sa ilalim, tapos si ruth naman yung nasa kaliwa ko. :)

--------------------------------

Bukas, babalik na naman ako sa tambayan namin(as always) dahil may IDC o Instructor's Development Course ng umaga. Mahalagang andoon ako kasi requirement yun para sa mga nasa TMC. At kapag by lunchtime ay tapos na, sana makahabol ako sa lakad ng mga highschool kaibigan ko(kahit lunch lang). Hindi ko alam kung hanggang anung oras ako sa MBS at naku, baka mahataknaman ako nila Ayin at Kuya Carlo sa hapon para naman magwall-climbing sa Power-up. Pero mukhang hindi ako makakasama kasi kailangan kong magpunta sa swimming pool by 4pm dahil magtetraining ako!! :)

Saturday, May 21, 2005

Saturday Gimik

Ngayong sabado, natuloy ang pool work namin nila Soli, Ami, Kuya Carlo at ni Ching. Si Ching pala ay isang future app at wala siyang background magswimming kaya kailangan namin magturo(being a TMC VP). Kaso, hindi ako marunong magturo dahil hindi ko alam kung saan ako dapat magsimula. tsk. Buti na lang andyan si Soli at Ami! Anyways, ngayon ko pa lang s'ya nakita at nakilala si Ching. Isa siyang MBB student na kablock dati ni Soli, kaibigan ni Em, at tagaPhiSci din tulad ni Soli at Kuya Carlo. At kamukha niya si Toni Gonzaga!! Haha!

Natapos kami ng mga 12pm at hinintay namin si Kuya carlo para sana maglunch. Pero natipuhan naming magRobinson's Galleria na lang dahil bibili daw si Ami ng bathing suit at ako naman ay napilit na ring bumili ng RASHGUARD!!! Nauna na kaming tatlo sa Rob at sumunod na lang si Kuya C doon. Naglunch pala kami sa BK. bumili sila Ami at Kuya Lomags ng BK watch. Gusto ko rin sana kaso wala akong pera. :( Nag-iikot na kami sa mga outdoor shops at swimming shops. Tumingin din kami ng bike, tent, bags at mask and snorkel. Pati cellphone, computer gadgets at palm pilot tinignan na rin naman. At sa wakas, nakabili na ako ng RASHGUARD! Black na may design na red sa dibdib at white threads na nagha-highlight sa limbs at tagiliran. Ang astig sa akin tignan, yeps, sa akin! :P sayang, sira digicam ko... Pareho kami ng rashguard ni bobet at Kuya Carlo.

Nilibre rin kami ni Kuya Carlo(iba talaga kapag alumni na at yupee) sa Hot Loops at doon kami nagmerienda ng donuts. Javalicious, Caramelt, etc. Yung C2, ewan ko kung paano naging sikat pero dati meron lang nun sa may bahay nila farrah.. At ang price niya doon sa hotloops ay P16 lang samantalang kay Aling Carms P22! Uminom din kami ng Refresh mineral water for just P3 each. hehe.

Nagdecide din kaming manood ng sine. Syempre, Stars Wars III! At eto ang astig, may promo ang Yakult sa Rob Cinema-> buy 3 packs of Yakult worth P105 and get a free pass on any movie! Ayos no? Kaya doon na lang kami bumili. Kaya ngayon, may tig3 kaming pack ng Yakult! hehe. Dinagdagan na lang namin ng P15 per ticket kasi P120 each kung ticket lang. Pero ayos na diba, may Yakult pa kami! 4 pack nauwi ko kasi ayaw ni Ami ng Yakult...

At dahil may kotse si Kuya Lomags, syempre, libreng hatid sa kanya-kanyang bahay! Kaso 7pm pa lang.. kaya tumambay kami sa Sarah's hanggang 9:30 at... ayun, 'di ko na naiwasan ang aking iniiwasan.

Natapos ang gabi namin na nagpaplano ulit ng lakad next week. Ang balak namin ay mag Star Wars(4-6) marathon, at magYellow Cab night. Pati nga pala GreenHills at ukay-ukay day kasama na ibang org members sa ibang panahon. At maghanda-handa na rin daw kami para sa Fantastic 4 at Mr and Mrs Smith. Sana matuloy!!

Pero sa ngayon, hinay-hinay muna. Kailangan magreplensish dahil this weekend, baka matuloy pa rin ang aming Isla Verde Outing.

O siya, pahinga na muna ako ngayon, medyo hilo na ako e, at pagod na.

Friday, May 20, 2005

tapos na ang isang week!

Kakauwi ko lang galing sa training. Nung una, nagdadalawang isip ako kung pupunta ako kasi swimming ang training ngayon at ako pinakamahina... kaya nahihiya ako lagi magpakita kapag MWF. Pero buti na lang tinapangan ko loob ko at tama naman ang desisyon kong magtraining ngayong araw! At dahil doon, kumpleto ko ang set ng training this week! *palakpakan tayo!!*
Noong monday, tumakbo ako, mga 4KM lang yun, tapos onting dry land. Nung tuesday, dryland training ulit at marami nang ab workout Pero nung umaga, nag6KM kami ni Kimmie. Nung Wednesday(official start ng training at andito na mga freshies), treading at 1500KM any swim. Nagpullbuoy ako ng freestyle. Tapos nung thursday, ultimate dryland! Noong umaga pala, isang acad at MBS route tinakbo ko noong umaga. Swing arms pa lang pagod na. Tapos sa buong workout, laging mas madami yung reps namin ni boom,raymond at miguel. Paano daw kasi, lagi naman na kaming nagtetraining*naks*. At tumakbo ako ng isang acad oval. Yung teammates ko 2 rounds. Umalis na ako kasi may Executive Board Meeting pa kami sa MBS. TMC VP ako, mahirap na. :P

At iyon nga, kakauwi ko pa lang. NagRO ako. Haha! Kaso nagexpire na yung 3days ko. Tsk, bibili pa ba ako ng load o wag na? Nakapagdinner na rin ako at onti lang kinain ko.

Bukas, tignan ko kung makapagaerobics ako kasi meron ako ditong 2 cd. Ah, at magsiswimming pala ako kasama mga orgmates ko sa Mother Ignacia. "Pool Work" daw. Hehe. At sana sa linggo rin makatakbo ako.

Ayos, isang week na naman ang nakaabang sa akin. Sana matuloy tuloy ko ulit ang pagtetraining at sana mabalanse ko pa ang schedule ko sa MBS at sa UPVST. Paano ba naman, araw-araw may kailangang gawin sa pareho. :)

Next week pala, may mga kailangan na akong gawin:
(1) Bumili ng RASHGUARD!!!!
(2) Update at Encode(?) yung Equipment ng MBS
(3) Gawin ang MBS Policies at ipasa kay ember ung report naman para sa skin diving guide
(4) Maginternalize at magcriticize ng consti!
(5) Gumawa ng letter para makasama ako sa Pundakit, Zambales para sa team building sa Jun 2-5.
(6) Magipon para makasam sa ISLA VERDE sa May 30-31!! aaarrrggggh!!!

Wednesday, May 18, 2005

Swimming updates

blog! ilang araw na nga ba ulit? hehe. usual naman nang matagal akong magkwento sayo e. at magiging ganito na ako madalas.. tsktsk. :P

Simula last week, araw-araw akong nakakatakbo. O kung hindi man araw-araw, 2beses sa isang-araw. Basta dapat at least 4x a week! Madalas ko nga palang kasama si Boom, Raymond at Mike. Kami yung madalas magpunta at si coach doll din pala, at isang freshie, si Miguel. Dryland madalas yung training namin.

Noong Thursday last week, nag10km run kami(including Heartbreak) ni Kimmie(MBS Pres) at ni Karen(Ext. VP). Tapos nung hapon, 3.3km kasama yung mga tao sa taas+Punky. Nung Friday lang ako hindi tumakbo kasi kasama ko ang cherubs kids :)

Andito na ang mga freshies ng swimming team!! Ayos, ang dami nila, 13 silang lahat, 9 na babae at 4 na lalaki. Ang nakilala ko pa lang si Miguel, galing din sa Marist at isang malakas na breastroker/freestyler. Araw-araw kasi siyang nagtetraining at ako mga 3x a week. Maraami na rin akong nakilala kanina pero nakalimutan ko na yung mga pangalan(mahina tlga ako sa names e). Oo nga pala, representative talaga ang incoming batch ng Pilipinas-may taga Laguna, Batangas, QC, Cebu, Negros, Davao at kung san-san pa!...

Kanina, nalate kami ni Carlos kasi 5pm na kami dumating(4 pala dapat). Ang ginawa namin, nagtreading kami ng 10minutes, tapos thumbsup, alternating frogkick, frogkick at dolphin kick. At ngayon ngawit na ngawit na kamay ko! argh. Nag1500m swim din kami, kahit anong stroke, para daw maka"recover" muna kami... at as usual, huli na naman ako, pero at least hindi na ako nagko-cause ng traffic! Hehe. In fairness dati, 'di na ako nagsastop masyado. Pagkatapos, stretch na by partners.

Nasasabik na naman ako sa team building namin sa June2-5 sa Pundaquit, Zambales. Sana mas makilala ko na yung mga swimmers at mawala na yung hiya at pagiging introvert ko sa team. May problema nga lang ako... ang gaganda kasi ng mga katawan nung nasa batch na to. At.. sa darating na pasukan, kailangan kong tumakbo sa acad oval kasama nila... na NAKATRUNKS lang! at may pintura rin pala na ilalagay sa amin ng mga old mems... pang-gago nila kumbaga. hehe. basta, carry na lang yan...

nakabili nga pala ako ng trunks, black and red at mura lang siya. gusto ko rin yung sukat niya sa akin at inihahanda ko na yun sa "semi-oblation run". Kaso badtrip kasi nilabahan ng katulong namin! putangina, nung thursday ko lang binili yun tapos nitong monday nilabahan! putangina talaga!! Lumuwag na kaagad. Paano kasi hindi niya alam na "swimsuits should never be washed with any detergent nor wring them nor "kusotin"... tsk!!!! pinag-ipunan ko pa naman iyon, ilang araw din akong nagtipid para dun... hay... kung hindi lang 16yrs old tong katulong namin pinagalitan ko na yan. pucha!

at.. o nga pala, naalala ko na naman siya... isang taon na rin pala simula nung magkakilala kami no? nung una pajogging-jogging lang at paminsa'y nagtatabi papunta sa ayala heights at nagka-crack ng jokes... at pati nung nasa PG kami na buong camp ay kaming dalawa magkasama... Hindi na kasi siya maguUPVST e, sikreto ko na lang kung saan na siya lilipat, o mag-aaral. owell, that's LIFE!!

Tuesday, May 03, 2005

unaffected by MBS toxicity

hi blog! i guess wala na ako masyadong time para magkwento sa iyo. Paano kasi busy ako sa org ko.. For almost a month... everday, yep, pati sabado at linggo, ginugugol ko ang oras ko sa UPMBS. simula noong magISLAVERDE kami(isla sa pagitan ng Puerto Galera at Batangas), tapos nagSubic, tapos exhibit sa Glorietta tapos SemPlanning at happy hours, IDC's, Outing, lahat na! Tapos ngayong weekend balak na naman nilang bumalik sa IslaVerde kasama ang ibang Ateneo friends.... Tapos within 2weeks, bakamagpaOPENDIVE kami sa Seamate sa Batangas, yun bang magiinvite kami ng guests para sumama sa amin magskin diving at makaranas din silang makahawak ng mga buhay na corals at starfish, mapanood ang mga lionfish at eel magtago, mapaligiran ng school of jacks, makakita ng trumpet fish at makislapan ng halos isang kamay ko na mga isda.

Bakit nga ba ang hectic namin? Bago ko sagutin to, natutuwa pala ako sa mga tao sa org ko kasi lahat go na go sa mga sari-saring activities. Yep, naghihingalo na lahat ng mga wallet namin pero buti na lang nagagawa naming magbeach,dive atbp ng sobrang baba ang budget. Nakakatuwa dahil alam naming nagkakasawaan na kami kaagad(araw-araw ba naman at humigit kumulang sa 10hrs/day magkita) pero kapag lumiban ng isang araw na hindi nakakasalamuha ang mga tao, para bang ang laki ng na-miss mo. Astig din dahil go din sila sa pagjogging at may mga kasama akong mahilig magrant tungkol sa katabaan namin at KAITIMAN! Pero hindi naman kami umaaksyon masyado para dun. Hehe.... Mula pagkagising hanggang sa paglubong ng araw na kung minsan ay past9pm na ay nasa tambayan pa, at kung hindi nauuwi sa overnights, kami-kami pa rin ang magkakasama. Akala ko dati ayaw kong sumama sa kanila pero ngayon, kilalang-kilala ko na ang isa't-isa at sobrang kumportable na ako sa kanila.
Bakit nga pala kami hectic? Ah.. kasi last year, bago kami maging aplikante ay halos 6 lang ang miyembrong active sa UPMBS kaya naman medyo sabog at disorganized yung org. Bago pa noon, unti-unti na ring napabayaan ang org--dark ages kumbaga(2 yrs before pa ata). At ngayong pumasok na ang batch namin(Sa Diliman ng Dagat '04) at naging active kami, gumawa kami ng tema na mala"from ashes comes life?" aheheh. parang ganun. para simple, renaissance period! O diba, ayos, parang email ko...

Kaya magexpect ka na pangmatagalan na'tong pagiging busy ko sa org. Hehe. Pero syempre dapat may time pa rin ako para magkwento sa'yo...

Actually, may utang nga pala akong tatlong kwento sa'yo: Isla Verde, BeachFootball, Exhibit at SemPlanning namin... brief summary na lang later! OK, sign off na ko!